Maging Center of Fish Processing ang Dagupan Seafood Processing Plant, possible na

Malaki na pag-asang maging Center of Fish Processing sa buong Luzon ang Dagupan Seafood Processing Plant sa pag-upo ni Mayor-Elect Belen Fernandez dahil una na itong nagpapakita ng suporta sa naturang proyekto.

Ayon kay Dr. Westly Rosario, ang Chief ng National Integrated Fisheries Technology Development Center, ang Dagupan Seafood Processing Plant ay mas moderno kaysa sa mga existing fish processing plants ng Manila.

Idinagdag pa ni Rosario na sa kasalukuyan, ang mga fish exporters mula Pangasinan at Manila na gumagamit sa nasabing pasilidad ay mas mababa ang kanilang toll fees.

Inaasahan din na mas marami pang fish exporters na gagamit sa pasilidad ng Dagupan kapag nabigyan na ito ng Hazard Analysis Control Point (HACP) mula sa international governing bodies para masiguro na lahat ng produkto mula sa planta ng Dagupan ay mas madali nang maka-access sa mga target nito sa Amerika at Europa. (from dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*