Magkakaparehong oras sa buong bansa, ganap nang isang batas

Magkakaroon na ng magkakaparehong oras sa lahat ng National at Local Government Office sa bansa.

Ito’y matapos na isabatas ni Pangulong Aquino ang Republic Act 10535 o ang batas sa pagtatakda ng Philippine Standard Time (PST).

Sa ilalim ng batas, lahat ng ahensya ng gobyerno ay minamanduhan na gamitin ang ‘Network Time Protocol’ ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sakop din ng implementasyon ng Philippine Standard Time ang television at radio station.

Ang mga lalabag dito ay maaaring pagmultahin ng mula 30,000 hanggang 50,000-piso at pagbawi ng prangkisa kung mabibigo silang isabay ang kanilang time device sa philippine standard time sa oras ng kanilang pagbu-broadcast.

Speak Your Mind

*