Mahigit dalawampung OFW, dumating sa bansa mula Saudi Arabia

Umaabot sa 22 Strande­d Filipino Workers at 18 bata na kasama sa mga Camper sa Jeddah, Saudi Arabia ang dumating sa bansa.

Ang batch ng mga pinoy repatriate ay dumating sakay ng emirates airline flight 336 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1.

Sinalubong ng mga kinatawan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga napauwing pinoy.

Tiniyak ng owwa na makakatanggap ang mga ito ng mga ayuda kabilang na rito ang balik pinoy, balik hanapbuhay at livelihood assistance program.

Inihayag ng mga nagsiuwi na para silang sardinas sa deportation center kaya nagkahawahan ng ubo at sipon sa iba pang mga deportees na iba ang lahi.

Speak Your Mind

*