Mahigit sa 82,000 OFW sa Taiwan, nanganganib na pauwiin sa bansa

Possible umanong mapauwi ang mahigit sa 82,000 overseas filipino workers (ofws) na nagtatrabaho ngayon sa bansang taiwan sakaling hindi pa humupa ang isyung pagkakabaril sa isang mangingisda ng taiwan sa karagatan ng batanes.

Kaugnay nito, labis ang pag-aalala ngayon ni Gary Martinez na isa sa migrante international sa bansang taiwan.

Sakaling aniyang hindi pa humupa ang tensiyon sa pagitan ng pilipinas at taiwan, magiging isa si martinez sa posibleng mapauwi dahil sa hidwaang kinasangkutan ng dalawang bansa.

Dagdag pa ni Martinez ang kakulangan ng trabaho sa pilipinas kung saan tiyak na gutom lang aniya ang aabutin ng mga nasabing ofw, marami sa mga ofw ang nag-uumpisa palang kaya’t hndi pa makapagbayad ang mga ito sa utang.

Tanging pag-asa nalang umano ni Martinez at ng mga ofw na maresolba ang hidwaan ng dalawang bansa upang di na madamay pa ang mga pilipinong nangingibang bansa.

Speak Your Mind

*