Malacañang, itinangging dismayado si Pangulong Aquino sa Communications Group

Pinabulaanan ng Malacañang ang napaulat na dismayado si Pangulong Aquino sa Communications Group nito.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, wala namang sinasabi ang pangulo na hindi ito masaya sa kanyang Communications Group.

Prangka  aniya ang pangulo at kung sakaling hindi ito masaya sa ginagawa ng kanyang communications group ay siguradong sasabihin niya ito ng deretsahan.

Una rito, ipinahiwatig ng pangulo na hindi siya masaya sa kaniyang binabasang talumpati sa isang okasyon kamakailan. (from newscenter dzar1026 manila)

Speak Your Mind

*