Marian Rivera at Karylle, naging komportable ang muling pagkikita

KAPWA nagpansinan ang aktres na si Marian Rivera at singer/actress na si Karylle nang magkrus ang kanilang landas sa isang fashion event sa lungsod ng Makati kamakailan.

Kung maaalala, si Karylle ang ex-girlfriend nit Dingdong Dantes na ngayon ay nobyo naman ni Rivera.

Tatlong taon naging magkasintahan sina Karylle at Dingdong pero nauwi sa hiwalayan at usap-usapang dahil ito kay Marian.

Pero ayon kay Rivera, wala naman silang problema ni Karylle sa katunayan ay katunayan ay nginitian pa nila ang isa’t isa.

Sa panig naman ng singer/actress na si Karylle, tinawag nitong “blessing” ang pagkikita nila ni Marian.

Speak Your Mind

*