Matagumpay na halalan, maaaring makahikayat ng maraming investors sa bansa

Inaasahan mapapalakas sa ekonomiya ng bansa ang pagiging matagumpay ng Midterm Elections upang makakapaghikayat ng maraming investors.

Ayon sa presidente ng Management Association of the Philippines na si Melito S. Salazar, ang malinis at walang dayang eleksyon ang nagsisiguro sa mga investors sa katatagan ng bansa.

Dagdag naman ng presidente ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, Atty. Miguel Varela, dapat umanong tutukan ng mga mambabatas ang mga dapat baguhin sa konstitusyon na may kinalaman sa ating ekonomiya upang mas maka-hikayat pa ng mga investors.

Ani pa ni Varela ang mga bagong investments ang makakapagbigay ng mga bagong trabaho sa mga Pilipino.

Speak Your Mind

*