Mayor Hernani Braganza ng Alaminos City, tanggap na ang pagkatalo sa pagkagobernador

Bagamat nahulog sa inaasam na posisyon si Alaminos City Mayor Hernani Braganza sa pagkagobernandor ng lalawigan ng Pangasinan, lubos pa rin ang pasalamat nito sa tulong at pagmamahal ng taumbayan.

Ayon pa sa pahayag ni Mayor Nani Braganza, sa thanksgiving na ginanap sa Regency Hotel Calasiao Pangasinan kahapon, hindi pa rin nito inakala na makakuha  pa rin ito ng aabot sa tatlong daang libong boto.

Samantala, aminado pa si Braganza na nakulangan lamang umano ito sa oras kung saan hindi sapat ang 45 araw na preparasyon mula sa kampanya hanggang sa katatapos na halalan 2013.

Sa kabila ng lahat nito, lubos ang pasalamat nito sa lahat ng naniwala ani mayor nani sa kanyang naging adbokasiya at adhikain sa bayan.

Sa ngayon, magpapahinga muna si Braganza habang nasa kasagsagan pa rin ng bilangan ang ilang lugar sa lalawigan.

Speak Your Mind

*