Mga bangus sa Magsaysay Fish Market, bumagsak ang presyo

Nilinaw ngayon ng City Agriculture Office na walang gataw na bangus ang pumapasok sa magsaysay fish market lungsod ng dagupan.

Kaugnay ito sa pagbuhos ng produktong isda gaya ng bangus kasabay ng pagbaba ng presyo ng mga ito na sumadsad na sa sitenta pesos mula sa dating 90-100 pesos.

Ayon pa sa tanggapan, mahigpit ang monitoring ng water quality sa lahat ng fishpond owner kung kayat imposibleng mahaluan ng gataw ang nagkalat na harvested bangus sa lugar.

Kapansin-pansin naman na tila hindi pa sapat ang laki o gulang ng mga isda na sanhi umano ng forced harvest kayat matumal ang nagiging bentahan nito.

Speak Your Mind

*