Mga “school supplies”, unti-unti ng tumataas ang presyo

Pinaalalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na mamili na ng maaga dahil unti-unti ng tumataas ang halaga ng mga “school supplies”.

Sinabi ni DTI-NCR Director Ferdinan Manfoste na huwag lamang ang presyo ng mga produkto ang isaalang-alang ng mga mamimili sa halip ay pagtuunan din ng pansin ang kalidad ng kanilang binibili.

Partikular nitong tinukoy ang mabababang halaga ng mga imported na mga “school supplies” galing China ngunit mababa naman ang kalidad kumpara sa mga local na gawa sa Pilipinas.

Aniya mas mapapamahal ang mga magulang dahil sa mabilis masira ang mga lapis, krayola at iba pang imported na gamit at kailangan mag­paulit-ulit sa pagbili.

Mas mainam umanong bilhin ang mga produktong na may “label” at nakasulat ang pangalan at “contact information” ng “manufacturer” upang mahabol ng mga mamimili kapag nagkaroon ng problema.

Speak Your Mind

*