Money Ban ng COMELEC, ipinatigil ngayong araw ng Korte Suprema

Itinigil ngayong araw ng korte suprema sa inilabas nitong status quo ante order ang pagpapatupad ng resolution 9688 o ang money ban ng commission on election (comelec).

Una rito, nagpahiwatig si Pangulong Benigno Aquino III sa public apperance nito kahapon sa mga kagawad ng media ng hindi pagsang-ayon sa naturang resolusyon ng comelec dahil sa magiging epekto aniya nito sa pagnenegosyo sa bansa.

Layunin sana ng money ban na limitahan ang paglalabas ng pera sa mga bangko at pagbitbit nito para maiwasan ang vote buying sa panahon ng halalan.

Speak Your Mind

*