Naganap na 2013 Midterm Election, ipinagmalaki ng DILG

Ipinagmalaki ni Interior and Local Government Sec. Mar Roxas na mas ligtas at hindi madugo  ang naganap na midterm election noong kumpara sa nangyaring halalan noong taong 2007 at 2010.

Ayon kay Roxas, sa apat na buwang palugit mula January 12, nang magsimula ang election period hanggang noong lunes ay nakapagtala lamang sila ng 81 election-related violent incidents.

Ito ay mas mababa kaysa sa naitala na nakahalintulad na election noong 2007  na 229 cases at noong 2010 presidential election ay 179 cases naman.

Umaasa si roxas na hindi na tataas pa ang 81 kaso hanggang sa katapusan ng election period sa darating na june 12.

Speak Your Mind

*