Nakaambang crackdown operation sa Saudi Arabia, apektado ang mga illegal foreign workers

Nanganganib ang lahat ng mga illegal foreign workers sa Saudi Arabia dahil sa ibinabang kautusan ng Saudi Government na ipapatupad ang crackdown operations sa Hulyo 3.

Ayon sa Interior at Labor Ministries ng Saudi, papatawan ng multa at pagkakulong hanggang dalawang taon ang mga employer at mga mahuhuling amo ng mga undocumented expetriates.

Bahagi pa rin ito ng Saudization Policy ng awtoridad doon para mapalaki ang bilang ng mga Saudi National na maipasok sa workforce ng bansa ma siyang magpapababa ng unemployment rate.

Kabilang sa mga matinding tatamaan ng operasyon ang Yemenis at South Asians tulad ng Indians, Pakistanis at Bangladeshis.

Speak Your Mind

*