Nangungunang Senatorial Bet, todo pasalamat kay Pnoy

Todo-todo ang pasasalamat ng nangungunang Senatorial Bet na si Grace Poe kina Pangulong Aquino at Sen. Chiz Escudero dahil sa tulong at pagtitiwalang ibinigay sa kanya.

Sinabi ni Poe na hindi niya inaasahang mangunguna siya sa Senatorial Race kaya sobra-sobra ang kanyang pasasalamat sa pagtitiwala sa kanya ni Pangulong Aquino at ang tulong na ibinigay sa kanya ni Escudero.

Idinagdag pa ni Poe na ang tanging nais niya ay makapasok sa magic 12 kaya ganun na lamang ang pagkagulat niya sa tiwalang ibinigay sa kanya ng taumbayan.

Nagpapasalamat na rin sina Escudero at sonny angara sa mga nagtiwala sa kanila na makapaglingkod sa senado.

Speak Your Mind

*