National Security Council hindi pa kailangang i-convene sa gitna ng gusot sa China

Tiniyak ng Malacañang na hindi pa kailangang I-Convene ang National Security Council o kaya ay magsagawa ng Full Cabinet Meeting upang pag-usapan ang patuloy na panghihimasok ng China sa teritoryo ng Pilipinas.

Ayon kay Deputy PreSidential Spokesperson Abigail Valte, mismong si Pangulong Aquino ang nagsabi na ipagpapatuloy lamang ang paglutas sa problema katulad ng mga ginawa noong mga nagdaang panahon.

Sinabi pa aniya ng Pangulo na epektibo naman ang ginagawa ng gobyerno na pagharap sa problema.

Tiniyak din ni Valte na hindi ipinagwawalang bahala ng gobyerno ang problema tungkol sa ginawang pagtatayo ng istruktura ng china sa pinag-aagawang teritoryo.

Ipagpapatuloy din aniya ang pagresolba sa problema sa diplomatikong paraan. (from newscenter dzar1026 manila)

Speak Your Mind

*