NBI, nagsagawa na ang imbestigasyon sa insidente ng pamamaril sa mga Taiwanese Vessel

Na-imbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong tauhan ng Bureau of Ffisheries and Aquatic Resources (BFAR) na kasama ng Philippine Coast Guard (PCG) sa balintang channel ng maganap ang pamamaril sa mga Taiwanese Fishing Boat.

Mahigit labindalawang oras nga ang nasabing imbestigasyon ng NBI sa tatlong tauhan ng BFAR na sakay ng barkong MCS Patrol Vessel 3001  na umano’y tinangkang banggain ng Fishing Vessel ng mga Taiwanese.

Kabilang sa naimbestigahan sina Arcenio Bañares ng Regulatory Enforcement Division ng BFAR Region 2 , BFAR Staff Quick Repsonse Team na si Rolly Adun at isang hindi pinangalanan.

Mananatili ang tatlong bfar staff sa bfar head office upang maging handa sakaling muling kailanganin sa imbestigasyon ng nbi.

Naisumite na rin aniya sa nbi ang kopya ng video sa naging pakikipag-usap ng mga tauhan ng pcg sa mga taiwanese fisherman.

Tiniyak naman ng bfar ang kanilang buong koordinasyon sa isinasagawang imbestigasyon.

Speak Your Mind

*