North Korea Leader Kim Jong-Un, nagpadala ng special envoy sa China

Tumulak na patungong sa China ang isa sa top Militay Official ng North Korea para maging special envoy ng leader ng Nokor na si Kim Jong–Un.

Ito’y sa kabila ng pagsuporta ng China sa pagpapataw ng parusa ng United Nations (UN) sa North Korea kaugnay ng nuclear test noong Pebrero.

Ipinadala ni Kim Jong–Un si Choe Ryong–Hae upang tutukan ang pagpapalago ng mga Chinese Investment sa North Korea.

Si Choe ay itinuturing na pinakamataas na opsiyal ng Pyongyang na bumisita sa china matapos na pumunta roon ng tiyuhin ni Kim na si Jang Song–Thaek noong nakaraang taon.

Isa rin siyang political administrator na naging vice marshall pa sa army noong isang taon kahit walang military background.

Speak Your Mind

*