OFW sa Taiwan, Nakalalabas at nakapagsisimba na

Nakalalabas at nakapagsisimba ng muli ang mga Pilipino sa mga katolikong simbahan sa Taiwan matapos ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Ayon naman sa pahayag ni Father Leonilo Mantilla na siyang kura paroko ng St. Christopher Parish ng bayan ng Zhung Shan, Taiwan natutuwa umano siya sa pagsigla uli ng kanilang simbahan dahil sa pagpunta ng mga Pilipino na noon ay natatakot pa na lumabas.

Dagdag pa ni Father Mantilla na lumala daw ang isyu sa kadahilanan ng paglalabas ng mga maling artikulo ng media ukol sa pananakit ng mga Taiwanese sa Pinoy OFW’S.

Gayunpaman ay ina-abisuhan pa rin ang mga OFW’S sa nasabing bansa na mag-ingat at huwag lumabas ng mag-isa. (from dzar newscenter)

Speak Your Mind

*