OWWA Regional Office, tiniyak na may matatakbuhan ang mga OFW sa ibang bansa

Sinisiguro ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 1 na may malalapitang opisina ang lahat ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa ibayong dagat sakali mang may kaharapin itong problema.

Ayon pa kay Region1 OWWA Officer Gerry Rimorin, nakadepende ang pagtatalaga ng opisina o OFW Center sa dami ng bilang ng mga pinoy sa isang bansa pero mismong DFA na aniya ang naghahatid ng tulong sa mga ito sakaling kakaunti lang ang pinoy rito.

Sa ngayon ani Rimorin maayos naman ang lagay ng mga Pilipino particular na sa bansang taiwan kaya naman patuloy rin ang kanilang pakiki-ugnayan sa mga pamilya ng OFW na nasa nasabing bansa.

Ayon pa kay Rimorin, plantsado na ang sitwasyon at seguridad ng mga pinoy sa taiwan mula sa impormasyong may sapat na aksiyon ang otoridad sa Taiwan para maging ligtas ang paninirahang mga OFW. (from dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*