Pag-endorso ni Former Speaker Jose De Venecia kay Braganza, ikinagulat

Nagulat ang ilang Political Leaders ng Ikaapat na Distrito ng Pangasinan sa pag-endorso ni Former Speaker Jose De Venecia kay Gubernatorial Candidate ng Liberal Party Standard-Bearer Hernani A. Braganza.

Sa isinagawang emergency meeting kamakailan na ginanap sa Stadia dito sa Dagupan, ipinatawag umano ni De Venecia ang mga Political Leader at hiningi nito sa kanila na siguraduhin ang panalo ni Braganza sa May 13 elections.

Si Former Speaker Jose De Venecia ay asawa ni Rep. Gina De Venecia, na tumatakbo sa pagka-kongresista sa ikaapat na distrito sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition na kapartido ni Gov. Amado T. Espino Jr.

Ang nasabing pagpupulong ay dinaluhan ng mahigit isang libong incumbent barangay captains, kagawads, barangay secretaries at treasurers, tanods, at health workers dito sa Dagupan at mga bayan ng Manaoag, Mangaldan, San Fabian at  San Jacinto.

Speak Your Mind

*