Pagka-humaling sa social networking site, dahilan umano sa pag-taas ng kaso ng AIDS

Ang pagkaadik umano sa  mga social networking sites tulad ng Facebook, Twitter, at iba ang dahilan ng pagtaas ng bilang ng mga may HIV/AIDS sa bansa.

Ito ang inhayag ng Department of Health (DoH), kung saan karamihan umano sa mga pasyente sa ngayon ay nasa edad 25-29 at may ilang dalagita na 16-anyos lamang.

Sinabi pa ni Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, ang basta-basta  pakikipagrelasyon sa pamamagitan ng social networking sites at pakikipagtalik sa mga taong hindi pa lubos na kilala ang dahilan ng pagkakaroon ng ganitong sakit.

dahil dito, ipinapayo ni Tayag na iiwasan din ang makipagtalik sa kaparehong kasarian dahil isa rin ito pangunahing dahilan upang maipasa ang naturang karamdaman.

Speak Your Mind

*