Pamahalaan, nanawagang huwag ng palakihin ang isyu sa hidwaan ng Pilipinas at Taiwan

Hiniling ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr. Sa taumbayan at sa buong hanay ng media na huwag ng palakihin pa ang isyu sa pagitan ng taiwan at pilipinas.

Sa panayam ng Sonshine Radio kay Coloma, sinabi nito na mas mainam kung hindi na lamang painitin pa ang usapin sa insidente ng pagmamaltrato ng taiwanese nationals sa mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) doon sapagkat kanila naman itong ginagawan ng paraan.

Aniya, mas mainam na lamang na manatiling mahinahon ang lahat upang mas agarang masolusyunan ang problema.

Speak Your Mind

*