Pangalawang Zipline ng Balungao Hill Top Adventure, matatapos na

Inaasahang matatapos ngayong darating na buwan ng Hunyo ang pangalawang Zipline ng Balungao Hill Top Adventure sa bayan ng Balungao, Pangasinan.

Ayon kay Municipal Engineer Sepriano Jacob, may habang 1.4 km ang ilalagay na pangalawang Zipline na masasabing pinaka mahabang zipline sa buong Asya.

Idinagdag pa ni Jacob na aabot sa mahigit isang milyon piso inilaang pondo sa naturang proyekto na nagmula pa sa ibang bansa ang material na ginamit dito.

Una rito, umani na ng pagkilala at papuri kay Pangulong Benigno Aquino ang naturang proyekto kung saan naglaan pa ito ng umaabot sa 94 milyong piso para sa road widening patungo sa Hill Top Adventure na maituturing na isa sa tourist atraction sa Pangasinan. report from Maila Calderon – dzrd981 dagupan

Speak Your Mind

*