Pangasinan, generally peacefull noong panahon ng halalan ayon sa PPO

Idineklara ng Pangasinan Provincial Police Office na generally peacefull ang lalawigan sa katatapos na araw ng halalan noong mayo a-trese.

Ayon kay Police Senior Inspector Ryan Manongdo ang Provincial Public Information Officer ng PPO, walang naitalang karahasan sa buong araw ng halalan simula alas-syete ng umaga hanggang alas syete ng gabi.

Maihahalintulad umano ito sa panahon ng pakikipaglaban ni Manny Pacquiao na walang naitatalang krimen dahil nakatutok ang lahat sa panonood telebisyon na kaparehas ng nagdaang eleksyon na nakatutok ang lahat sa pagboto.

Idinagdag pa ni Manongdo na wala ring naitalang bayolenteng pangyayari laban sa mga Board of Inspector (BEI) o anumang harassment sa mismong araw ng botohan.

Speak Your Mind

*