Pangasinan PPO, nakataas parin sa full alert status kahit tapos na ang eleksyon

Nakataas parin ang full alert status ng Provincial Police Office sa buong lalawigan ng Pangasinan kaugnay parin sa katatapos ng halalan 2013.

Sa panayam ng sonshineradio kay PPO Police Information Officer Captain Ryan Manongdo, sinabi nitong ito ay dahil sa posibleng pagsiklab ng ilang protesta na maaaring kasangkutan ng mga talunang kandidato

Ganunpaman, nakahanda naman umano ang buong hanay ng kapulisan upang marespondehan ang posibleng maging kaguluhan sa probinsiya lalot pinaiiral parin ang gun ban.

Tiniyak rin ni Manongdo na patuloy pa rin ang pagtutok ng buong pwersa sa mga labing limang lugar na kabilang sa areas of concern upang agad na magbigay ng seguridad at karampatang proteksiyon.

Speak Your Mind

*