Pangulong Aquino, hindi luluhod kay Taiwanese President Ma

Hindi luluhod kay Taiwanese President Ma si Pangulong Aquino upang hingin ang kapatawaran ng Taiwan.

Ito’y matapos mabaril at mapatay ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ma­n­gi­ngisdang Taiwanese sa Balintang Channel noong mayo a-nuweve.

Sinabi ni Deputy Pre­sidential Spokesperson Abigail Valte, na ipinahatid na ni Pangulong Aquino ang kanyang Public Apo­logy kay MECO Chief Amadeo Perez kaugnay sa insidente at hindi ga­gawin ng pangulo na siya mismo ang hihingi ng ­ tawad kay President Ma.

Ibinasura ng taiwan government ang public apo­logy ng pilipinas sa pagkakapatay sa mangingisdang taiwanese.

Hiniling ng Taiwan na payagan ang Joint Investigation ng Taiwan at Pilipinas kaugnay sa insidente pero nanindigan ang Department of Justice (DOJ) na ang National Bureau of Investigation (NBI) ang mag-iim­bestiga sa insidente.

Speak Your Mind

*