Panibagong dagdag presyo ng produkto ng petrolyo, ipinatupad ngayong ngayong araw

Nagpatupad na ang ilang kumpanya ng langis ang panibagong dagdag presyo ng kanilang mga produkto ng petrolyo na inaasahan magiging epektibo ngayong umaga ng Martes.

Ito ang kinumpirma ng mga kumpanyang Shell at Petron bagamat nagparamdam na rin ang kumpanyang Flying V na susunod na ring magtataas .

Kabilang sa maapektuhan ang halaga ng gasoline na madaragdagan ng halagang 45 sentimos kada litro, 60 sentimos naman kada litro ang idaragdag sa diesel at 50 sentimos naman sa kerosene.

Kaugnay nito, wala pang abiso kung magtataas din ng presyo ng kanilang produkto ang ilang small players.

Speak Your Mind

*