Philippine peso, bumagsak sa eight-month low kontra sa dollar

Bumagsak ngayon sa eight-month low ang halaga ng Philippine Peso kontra dolyar o sinasabing lowest level ng philippine currency simula noong Setyembre.

Sa currency trading kahapon, naitala sa p41.85 ang halaga ng salapi ng bansa kung ikumpara sa dolyar o mas mababa ng 0.6 percent.

Pero ayon sa mga traders, hindi lamang ang lokal na pananalapi ang humina kundi maging ang ibang asian currencies, dahil na rin sa pagsigla ng American Dollar.

Maalala na nitong mga nakaraang buwan, naabot ng philippine currency ang five-year high sa p40.55 kasunod nang positibong rating na natanggap ng pilipinas mula sa mga international credit rating agencies.

Speak Your Mind

*