PHO, itinaas na sa red alert status ang ilang lugar sa Pangasinan kaugnay sa kaso ng dengue

Aminado ngayon Pangasinan Provincial Health Office na malaki na ang ipinagbago ng ilang mga kabayanan sa lalawigan dahil sa pagkakasali ng mga ito sa red alert status sa kaso ng dengue.

Ayon sa panayam kay Provincial Health Officer Dra. Ana de Guzman, aktibo na ang ilang apektadong bayan sa probinsiya sa pagpapatupad ng ibat-ibang programa dahil sa pangambang muling pagtaas ng kaso ng dengue.

Pangunahin hakbang aniya ng mga ito ang pakikipag-ugnayan sa mga barangay ng tamang paglilinis upang makaiwas sa dengue lalot nalalapit na ang panahon ng tag ulan.

Samantala, inihayag naman ng PHO na ilan sa mga lugar sa lalawigan ang nasa red alert status na kabilang ang lungsod ng Urdaneta, bayan ng Calasiao, Sta Barbara, Bayambang at Mangaldan, Pangasinan. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*