Pinakamababang Poverty Incidence Rate ng Pangasinan, naitala

Naitala ng lalawigan ng Pangasinan ang pinakamababang Poverty Incidence Rate mula 26.5 percent noong 2006, ay naging 17 percent na ito sa  2012 kung ikukumpara mula sa mga lalawigan ng Region I ayon sa pinakahuling istatistika na ipinalabas ng National Statistics Coordination Board (NSCB).

Ayon kay Benita Pizarro, ang Provincial Planning and Development Coordinator ng Pangasinan, noong 2006 ay naitala ng Pangasinan ang pinakamataas na poverty incidence dito sa Region 1, mas mataas pa sa incidence rate ng bansa.

Samantala, naitala ng Ilocos Norte ang pinakamababang poverty incidence rate 11% at pumangalawa ang Pangasinan sa 17%, ngunit nakapagtala ang Pangasinan ng mas significant na pagbaba sa poverty incidence na pumalo sa 9.5%, habang ang Ilocos Norte ay 4.2 percent lamang.

Speak Your Mind

*