Pinoy Workers (OFWs) sa Taiwan, bawal na

Tuluyan nang ipinatupad ng Taiwanese Government ang pagbabawal sa mga Pinoy Workers (OFWs) na magtrabaho sa kanilang bansa.

Ito ang kinumpirma ni Taipei Economic Cooperation Office (TECO) Assistant to the Head Edouard Tai kaugnay sa ipinatupad na pagpigil sa pagtanggap ng Pinoy Workers.

Nabatid na simula kahapon ay itinigil na rin ng teco ang pagbibigay ng working visas sa mga filipino workers.

Ang hakbang ng taiwan government ay ipinatupad kasunod ng babala ni taiwan president ma ying-jeou na kanilang kakanselahin ang pagtanggap ng mga filipino workers sakaling mabigo ang pilipinas na mag-isyu ng “formal apology” sa pagkamatay ng isang taiwanese fisherman matapos umanong barilin ng Philippine Coast Guard (PCG) sa karagatan.

Speak Your Mind

*