Pinoy Workers sa Taiwan, tuluyan ng hindi tatanggapin

Tuluyan ng hindi tumatanggap ang Taiwan ng mga bagong aplikasyon para makapag-trabaho sa kanila ang mga pinoy kung saan ika-labinlima ng mayo ay epektibo na ito.

Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Deputy Administrator Lliberty Casco, batay ito sa abiso ng Taipei Economic Cultural Office (TECO) sa kanilang Website.

Hindi naman tiyak ni Casco kung hanggang kailan magtatagal ang freeze hiring na ito.

Payo naman nito sa mga apektadong pinoy, ay patuloy na makipag-ugnayan sa mga labor groups representative at centers ng bansa sa taiwan upang makipagtulungan sa mga hiring agency nila.

Ang nasabing hakbang na ito ng Taiwan ay kasunod ng pagkasawi ng isang taiwansese fisherman sa insidente ng pamamaril sa batanes na kinasasangkutan ng Philippine Coast Guard (PCG).

Speak Your Mind

*