Pnoy, hindi umano palalampasin ang ginagawang karahasan ng sa mga Pinoy sa Taiwan

Hindi palalampasin ng gobyernong Aquino ang mga pananakit at  karahasan sa mga  Pinoy  sa Taiwan.

Ito ang sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa gitna na rin ng mga pagsalakay ng mga Taiwanese sa mga Pinoy sa kanilang bansa.

Idinagdag pa ni Valte na ginagawa na ng MECO ang lahat ng kinakailangang hakbang para mabigyan ng hustisya ang pagtarget sa mga Pinoy sa ‘hate crime’ sa ilang bahagi ng Taiwan.

Pinayuhan din ni Valte ang mga Pinoy sa Taiwan na huwag na munang maglalabas at manatili na lamang sa kani-kanilang tirahan o tinutuluyan.

Speak Your Mind

*