Pnoy, ipinauubaya sa mga mambabatas ang pagpalit ng liderato sa senado

Ipina-u-ubaya na ng malakanyang sa mga senador ang pagpapasya kung sino ang susunod na Senate President sa pagbubukas ng 16th congress.

Ito ang iginiit ng palasyo sa isyu ng pagpapalit ng liderato sa senado.

Gayunpaman, ani ni Presidential Deputy Spokesperson Abigail Valte ay wala namang nagbago sa working relationship ni pangulong noynoy aquino at Senate President Juan Ponce Enrile kahit pa magkaiba ang partido nito.

Samantala, matunog naman ang pangalan nina Senador Franklin Drilon at Senator-Elect Allan Peter Cayetano na papalit kay Juan Ponce Enrile sa pagkapresidente sa senado. (from dzar1026 newscenter)

Speak Your Mind

*