Pnoy, napilitang humingi ng paumanhin sa Taiwan

Napilitang humingi ng paumanhin si Pangulong Aquino sa Taiwan dahil sa pagkamatay ng kababayan nilang mangingisda sa balintang channel malapit sa batanes.

Ito’y sa harap ng banta ng taiwan na kanilang ipatutupad ang ikalawang sanction sa pilipinas kung hindi magbibigay ng formal apology ang pamahalaan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na itinalaga ng pangulo si MECO Chairman Amadeo Perez bilang kaniyang personal na kinatawan para humingi ng sorry sa pamilya ng nasawing Taiwanese at sa mamamayan ng Taiwan.

Inatasan na rin aniya ng pangulo ang National Bureau of Investigation (NBI) para mag-imbestiga sa shooting incident na kinasasangkutan ng Philippine Coast Guard.

Speak Your Mind

*