PNP, nananatiling nakataas sa Red Alert Status

Mananatili sa pinakamataas na status o red alert ang Philippine National Police (PNP) sa buong bansa.

Ito’y hanggang sa matapos ang pagdeklara ng mga mananalong kandidato.

Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. Gene-Roso Cerbo Jr., tanging ang National Headquarters ng PNP ang siya ring magbababa ng status matapos itong itaas noong mayo a-sais.

Naninawala rin si cerbo na posibleng  magtuluy-tuloy ang red alert hanggang sa paggunita ng independence day sa hunyo 12.

Speak Your Mind

*