Presyo ng mga produktong petrolyo, inaasahang tataas ngayong linggo

Inaasahang magtataas muli ang presyo ng produktong petrolyo anumang araw ngayong linggo.

Posible umanong maglaro sa .30 sentimos hanggang .50 sentimos kada litro ang idadagdag sa gasolina at .30 sentimos hanggang .40 sentimos naman sa diesel.

Samantala, matapos ang ginawang oil prices hike noong nakaraang linggo ay ito na ang pangatlong beses na pagtataas ng presyo ng langis kung matutuloy ang badya ng mga oil companies. (from dzar newscenter)

Speak Your Mind

*