Presyo ng mga Produktong Petrolyo, muling sumirit habang abala ang lahat sa halalan

Habang abala ang sambayanan sa pag-abang sa naganap na halalan, sumirit naman ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

Dakong alas-sais ng umaga nang pangunahan ng pilipinas shell kasama ang flying v at seaoil philippines ang pagtataas.

Nasa   60 sentimos kada litro ang itinaas ng mga ito sa presyo ng diesel, 45 sentimos sa kada litro sa premium at unleaded gasoline at  50 sentimos sa kada litro sa kerosene.

Ikinatwiran pa rin ng mga kompanya ng langis ang paggalaw sa presyo ng petrolyo na kanilang  inaangkat sa internasyunal na merkado na bahagyang tumaas ang presyo.

Speak Your Mind

*