Bagong Camsur Governor, nilinaw ang relasyon kay Sarah Geronimo

Nagpahayag si newly elected Camarines Sur Governor Luis Miguel “Migz” Villafuerte ng kanyang saloobin tungkol sa mga issue na nag li-link sa kanya sa pop star princess na si Sarah Geronimo.

Ayon sa bagong halal na gobernador, na-link umano sya kay Geronimo noong 2011 dahil sa pagpapadala nya ng mga bulaklak sa singer.

Paglilinaw naman ng pinakabatang gobernador sa bansa, hindi nya umano nililigawan ang nasabing singer at nais nya lamang makipag-kaibigan dito.

Samantala, nabatid na may kaugnayan din ang Cam Sur Governor sa aktres na si Lovi Poe, ngunit aniya kaibigan nya lamang ang aktres na tumulong din umano sa kanyang pagkakampanya noong nakaraang eleksyon.

Speak Your Mind

*