School Supplies ngayon taon, mas mababa ang presyo kumpara sa nakaraang taon

Dahil sa pinaigting na monitoring ng Department of Trade and Industry (DTI) sa presyo ng School supplies sa Metro Manila, lumilitaw na mas bumaba  pa ang presyo ng mga ito kumpara sa nakaraang taon.

Sinimulan ng dti ang pagpapaigting ng monitoring hindi lamang sa presyo ng School supplies kundi maging sa kalidad nito kasabay ng nalalapit na pagbubukas ng klase na inaasahan ang pagdagsa ng mga mamimili.

Ayon kay DTI Assistant Secretary Angel Pelayo, sa na-monitor na kabuuang 22 stores at 153 school products kabilang dito ang pad papers, notebooks at pencils ay walang nakitang pagtaas sa presyo at katunayan ay bumaba pa ito ng 25 sentimos hanggang p4.25 kumpara sa nakaraang taon.

Gayunpaman, patuloy umano ang pagmo­monitor ng DTI habang papapalit ang pasukan upang matiyak na walang negosyanteng magsasamantala sa sitwasyon.

Speak Your Mind

*