Search for Model OFW, inumpisahan na ng OWWA Region1

Kasalukuyan nang naghahanap ang tanggapan ng Overseas Workers Welfare Administration (Owwa) Region 1 ng mga Model OFW Via Land Based o Sea Based Overseas Workers na magbubukas sa a-dos ng Hunyo hanggang Setyembre ngayong taon.

Ayon pa kay Owwa Region1 Officer Gerry Rimorin, bukas na ang kanilang tanggapan para sa rekomendasyon o aplikasyon para sa nasabing search.

Samantala, mabibigyan rin umano ng OWWA ang lahat ng mga pamilya ng OFW bilang ayuda sa nalalapit na Migrante Day Celebration mula June 6-7 2013.

Ang Maigrante Day Celebration ay isang pagbibigay pugay sa mga OFW na makakuha ng libreng pagkakataon na makausap ang bawat pamilya nito sa pamamagitan ng isang libreng tawag. (from newscenter dzrd981 dagupan)

Speak Your Mind

*