Sen Drilon, kinumpirma ang kandidatura para sa pagiging Senate President

Kinumpirma na ng Liberal Party na si Senator Franklin Drilon ang kanilang kandidato para sa pagiging Senate President.

Si Drilon ang campaign manager ng Liberal Party noong nakaraang eleksyon at siyang malakas na pambato ng partido para sa nasabing posisyon.

Nagsisimula na ring umakto bilang Senate President ang senador sa pamamagitan ng paglista ng mga isyu na dapat tutukan ng senado bago sumapit ang 2016 elections.

Ikinatuwa ni Drilon ang kanyang nominasyon ngunit sinabi nito na nasa desisyon ng kanyang mga kasamahan niya kung sino ang gusto nila maging pinuno ng senado.

Speak Your Mind

*