Sen. Escudero, buo parin ang tiwala sa Iglesia ni Cristo kahit hindi inendorso

Kahit pa hindi inendorso, mataas pa rin ang respeto ni Senador Francis “chiz” Escudero sa pamunuan ng Iglesia ni Cristo (inc).

Si Escudero ay pasok pa rin sa top five kahit hindi nakasama sa mga tumakbong senador na nakakuha ng basbas ng i-n-c.

Ayon kay escudero, hindi siya nagpapalabas ng pahayag na walang magiging epekto sa kanyang kandidura ang endorsement ng inc.

Kahit sinong kandidato ay matutuwa aniya kapag inendorso sila ng sinumang grupo lalo na ng i-n-c.

Kabilang sa mga inendorso ng inc ay sina Sonny Angara, Bam Aquino, Cynthia Villar, Grace Poe, Nancy Binay, Richard Gordon, Jv Ejercito, Jack Enrile at Re-Electionist Senators Loren Legarda, Alan Cayetano, Gregorio Honasan at Antonio Trillanes.

Speak Your Mind

*