Senador Franklin Drilon, kumikilos na hinggil sa gapangan sa Senate Presidency

Personal na kinausap ni Senador Franklin Drilon ng Liberal Party ang mismong pangulo ng Nacionalista Party (NP) na si Senador Manny Villar.

Ito’y matapos mapabalitang mayroong manok ang N-P sa Senate Presidency.

Sinabi ni Drilon na tiniyak sa kanya ni Villar na mananatili sa Administration Coalition ang NP at patuloy na suportahan si Pangulong Aquino pati ang kanyang Legislative Agenda.

Idinagdag pa ni Drilon na magkakaroon ng common candidate ang administration coalition sa senate presidency kung saan pag-usapan na rin aniya ang paghawak sa ibat-ibang committees.

Inilulutang ang pangalan ni Drilon na magiging manok ng Malacañang sa Senate Presidency habang si Senador Alan Peter Cayetano ang manok ng N-P.

Speak Your Mind

*