Senate President Enrile, malayo ng mapanatili sa puwesto

Patay na ang ambisyon ni Senate President Juan Ponce Enrile na manatili sa puwesto sa pagbubukas ng 16th congress sa hulyo.

Ito ayon kay Senador Miriam Defensor-Santiago ay dahil siyam na kandidato ng Team Pnoy at tatlo lamang sa United Nationalist Alliance (UNA) ang nanalo sa katatapos na senatorial elections.

Dahil dito, sinabi ni Santiago na kapos na ang bilang ni Enrile para muling maluklok na Senate President.

Sa tingin ng senadora, ang maglalaban bilang senate president ay sina senador Franklin Drilon ng Liberal Party (LP) at Alan Peter Cayetano ng Nacionalista Party (NP).

Nangangamba rin si santiago na posibleng intrigahin ng kampo ni enrile ang mga kapanalig ni pa­ngulong aquino sa senado upang hindi sila makabuo ng isang kandidato lamang sa pagka-senate president.

Speak Your Mind

*