Senatorial Candidate Sonny Angara, ipinagpasalamat ang pag-endorso ni Pastor Apollo Quiboloy

Ipinagpasalamat rin ni liberal party senatorial candidate Sonny Angara ang pag-endorso sa kaniya ni Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ the name above every name.

Ani ni Angara, kaniyang sisikaping tulungan ang mamamayan base sa kaniyang mga plataporma sakaling maluklok bilang senador sa darating na halalan upang hindi masira ang tiwalang binigay sa kaniya ni Pastor Quiboloy.

Maliban nga kay angara, inindorso rin ni Pastor Quiboloy ang lima sa miyembro ng Team P-noy na sina Loren Legarda, Chiz Escudero, Bam Aquino, Cynthia Villar at Grace Poe.

Kabilang rin ang limang miyembro ng United Nationalist Alliance (UNA) at isang Independent na sina Migz Zubiri, Jack Enrile, Nancy Binay, Dick Gordon, Jv Ejercito at Edward Hagedorn.

Ang mga nasabing kandidato ay pinili ni Pastor Quiboloy base aniya sa relasyon nito sa kingdom ministry at mga plataporma at programa nito sa gobyerno.

Speak Your Mind

*