Tag-ulan, hindi pa opisyal nang pumasok sa bansa – PAGASA Dagupan

Hindi pa umano opisyal na pumapasok ang tag-ulan sa bansa kahit nararanasan na pag-uulan pagsapit ng hapon ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.

Sinabi ni Engr. Greg de Vera, PAGASA Dagupan na pitong stasyon ng pagasa ang itinalaga sa kanlurang bahagi ng bansa kung saan ito ang magsasabing pumasok na ang panahon ng tag-ulan.

Batay umano sa criteria ng pagasa, atleast 25 milimeter na ulan ang kailangan maitala ng tanggapan nito sa loob ng limang magkakasunod na araw.

Sa ngayon ani De Vera, dalawa hanggang tatlong linggo pa ang kailangang hintayin upang ideklara ang panahon ng tag ulan.

Speak Your Mind

*