Technical at Vocational Courses, isusulong na maisama sa K-12 program

Isusulong ng Technical-Vocational Schools Association of the Philippines na isama sa K-12 program ang mga Technical at Vocational Courses.

Makatutulong umano ito upang matutunan na ng mga estudyante sa sekundarya ang mga iba’t ibang kurso na may kinalaman sa teknolohiya at mga bokasyonal na kurso upang bumaba ang bilang ng Job Mismatch at Unemployment.

Kung sakaling maisama ang mga ito ay bubuuin ang mga curriculums na nakapaloob base sa pangangailangan ng industriya at negosyo ng bansa.

Malaki ang maitutulong nito upang magkaroon na ng lisensya ang mga karpintero at iba pang teknikal na trabaho. (from dzar1026 newscenter)

Speak Your Mind

*