Turismo sa Bayan ng Bolinao, apektado ng itinalagang military noong eleksyon

Isinisisi ngayon ng Pangasinan 1st District Cong Boying Celeste ang pagbaba ng turismo sa bayan ng Bolinao, Pangasinan o dahil sa mga nagkalat na pwersa ng military sa lugar.

Ayon pa kay Cong. Celeste, apektado ngayon ang kabuhayan ng mga residente ng bayan dahil sa takot ng ilang turista na magtungo sa lugar.

Dagdag sisi pa ng kongresista ang nagdaang eleksiyon na napabilang ang bayan ng Bolinao bilang isa sa mga concern ng comelec.

Halos pagapang umano ngayon ang turismo ng bayan sa pag-angat muli ng lugar kung saan ginagawan na ng paraan upang maibalik muli ang tiwala ng mga turista bilang isa ang lugar sa may pinakamagandang tanawin sa bansa. (Report from Jimrey Biosa)

Speak Your Mind

*