US-South Korea Summit, tinawag na ‘prelude to war’ ng North Korea

Tinawag ngayon ng North Korea na “prelude to war” ang ginawang pagpupulong nina US President Barack Obama at South Korean President Park Geun-Hye sa white house kamakalawa.

Ayon sa Committee for the Peaceful Reunification of Korea ng Pyongyang, ang pagkikita ng dalawang lider ay “despicable sycophantic trip” at hudyat ng planong lusubin ang komunistang bansa.

Gayunpaman, sinabi ng Pyongyang na matiyaga pa rin silang naghihintay kung babaguhin ng Seoul ang polisiya nito.

Maalala na noong nakaraang buwan, pumalo sa pinakamataas na antas ang tensyon sa Korean Peninsula bunsod ng mga pagbabanta ng North Korea laban sa Estados Unidos at South Korea.

Speak Your Mind

*